Sa sulok nakahalukipkip Ang ITLOG.
Pinakikiramdaman Ang bawat mong pag-inog.
Siya Ang nag iingat SA galaw mong maragsa,
Konting pagkakamali siya ay mapipisa.
Napupuno ng halakhak Ang paligid.
Nagpapalakpakan Ang buong daigdig.
Kanya-kanya sa paghakbang,
Pagbigkas ng kahibangan.
Ang itlong ay nanatiling nasa tabi,
Walang pake SA sinasabi ng paligid,
Nagtetengang kawali raw Sabi ng marami,
Palibhasay Hindi Kailangan man nilapitan para malamang Wala siyang pandinig.
Marami Ang naiinis, bakit ba ayaw niyang umalis?
Bakit ayaw niyang gumalaw at magtungo SA sikat ng araw?
Palibhasay Hindi mo pinapansin,
Ni Wala syang pagsusuotan ng sapatos na sisintasin.
Nanatiling tahimik si ITLOG
Nakikiramdam SA bawat nyong pag-inog
Nakikiramdam, pagkat Hindi Niya masilayan Ang paraan niyo ng paghakbang
Nakikiramdam, pagkat Ang tinig ay Hindi kailan man lalabas SA bibig.
Patuloy Ang kanilang pagtawa
Si itlog ay nanatiling tahimik
Maaaring dahil Hindi nya Alam ang nangyayari SA iba
O baka Wala Rin siyang pake
Maaaring Alam Niya na siya ay itlog
May kakaibang katangian,
May kakaibang nilalaman.
Nginit siya ay itlog
Maputi at natatangi.
Itlog na napupuno ng protina
Mga katangiang Hindi nakikita
NG mga nagkukunwaring buo
Ngunit SA katotonay
Nabubuhay na PARANG Itlog
No comments:
Post a Comment