Friday, November 15, 2019
KALIWAAN sa Kaliwa Dam
Maiinit na usapin ngayon ang kontrobersyal na pagpapatayo ng kaliwa dam. Mula SA kalikasan patungo SA mga katutubong maapektuhan ng proyektong Ito.
Ang kaliwa dam ay suportado ng China engineering energy Corp. Isa na namang proyekto na ang Pondo ay magmumula SA China, bansang tila unti-unting inaangkin ang ating bansa. Ayon Kay Rovik Obanil, coordinator of public services program, freedom of department coalition, ang proseso ng pagpili SA Corp. Kasama ang dalawang Chinese bidders ay Hindi totoo.
Ayun pa SA parehong pahayag ang CEEC ay Hindi nakapag-comply SA minimum technical requirements. Sinang-ayunan ni Atty. Aaron Pedrosa ang mga pahayag na Ito ni Obaniel. SA isang pahayag sinabi niya na "..makikitaan ng irregularities ang proseso, which makes it an illegal proceeding and any outcome will be naturally and logically illegal. "
Makikita agad SA mga ibinigay na pahayag na ang pagtatayo ng Kaiwa Dam ay hindi na dapat ituloy. Ang paglampas ng proyektong ito sa pagaling na proseso ay Isa ng banta SA bansa. Lagpas SA mga egal na proseso, ang naturang dam ay may malaking epekto SA kalikasan ng Tanay, Rizal at Sierra Madre. Bilang isang mamamayan na dating nanirahan SA Tanay, Rizal niyakap ko ang magandang kaikasan SA pamamalagi ko roon, masasabi ko na ang kalmadong tanawin ng bulubundukin ng Sierra Madre, kahit papano ay maganda ang kalagayan ng kalikasan. Maaaring Isa itong maaking dahilan ng pagtutol ko SA nasabing proyekto.
Ngunit lagpas dito, ang pagtatayo ng kaliwa dam ay maaaring pumatay ng mga mahahalagang species. Ayon Kay J Kahlil Panopio, Isang conservation specialist ng Haribon Foundation nakita mismo mismo SA EIS ng MWSS ang mga endangered species na tatamaan ng proyekto. Kasama ang Northern Rofous Hornbill na tanging SA Piipinas lamang makikita, na sinawaang bahala ng pamahalaan.
Mula SA tila ilegal na proseso, SA pagkasira ng kalisan, hanggang SA kawalan ng tahanan ng mga katutubong Dumagat-Rimuntado. Ayon Kay Marceino Tena, presidente ng SAGIBIN-LN, IP-LEADER, Sa kanyang pahayag sinabi na sinusulsulan ng MWSS ang mga katutubo para mapa"oo" ang imang Cluster ng mga katutubo. Pero isang cluster lang ang pumayag.
Ang pagtatayo ng kaliwa dam ay napupuno ng mga madidilim na interes, makiita na maaaring may isang makapangyarihan ang nagkukubli ng mga gawaing Ito. SA umpisa pa lang ng proseso ay may kamalian na. Paano Ito napalampas? Paanong ang mga masasagasaan ay Hindi isinaalang-alang?Ganito ba Tayo makilubog? Napupuno ng KALIWAAN. Kinaliwa ng pamahaalaan ang sariling pamayanan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment