Marami Ang nagtatanong bakit mas pinili ko Ang Filipino kaysa Biology? O maaaring Iba pang asignatura. Sigurado raw na mas may mararating ako. Bakit ko ba pinipit na tamnan Ang tuyong lupang Filipino?
Hindi ko Naman talaga paboritong asignatura ang Filipino. Sinasabi ko Lang gusto ko Ito para may masabi Lang. Wala Naman kasi Kong paboritong asignatura. Mahalaga kasi sakin Ang pagiging balanse, Wala akong pinapaburan na asignatura Mula pa noon.
Pagdating ng kolehiyo, yun din Ang tuluyang pagkatuyo ng lupaing nasasakupan ng Filipino. Wala ng gustong magtanim, Wala ng nais magturo ng asignaturang Ito. Nakadaupang palad Ang ko maraming guro. Mga pambihirang Magsasaka SA matiyang tinuturuan Ang susunod na henerasyon. Dito ko nakita Ang pagpatay SA Filipino, Ang pagpatay SA sariling pagkakakilanan. Ang paglimot na tayong lahat ay binuhay ng lupang sakahan.
Doon napagtanto ko na Kailangan ako SA Filipino. Kailangan Kong ipakita SA mga nagmamataas na tao SA ilalim ng tuyong lupang Filipino, ay Ang lupang masagana at hitik SA sustansya. Kailangan ng Filipino ng gurong magbubungkal ng yaman nito.
Anong dahilan ko sa pagpasok ng Filipino? Gusto Kong maging isang Magsasaka na bubungkal ng tuyong lupa at magtatanim NG mga binhi SA masaganang nilalaman ng Filipino, kalakip Ang wika, panitikan, at kultura
Monday, December 16, 2019
Sunday, December 15, 2019
Ang ITLOG
Sa sulok nakahalukipkip Ang ITLOG.
Pinakikiramdaman Ang bawat mong pag-inog.
Siya Ang nag iingat SA galaw mong maragsa,
Konting pagkakamali siya ay mapipisa.
Napupuno ng halakhak Ang paligid.
Nagpapalakpakan Ang buong daigdig.
Kanya-kanya sa paghakbang,
Pagbigkas ng kahibangan.
Ang itlong ay nanatiling nasa tabi,
Walang pake SA sinasabi ng paligid,
Nagtetengang kawali raw Sabi ng marami,
Palibhasay Hindi Kailangan man nilapitan para malamang Wala siyang pandinig.
Marami Ang naiinis, bakit ba ayaw niyang umalis?
Bakit ayaw niyang gumalaw at magtungo SA sikat ng araw?
Palibhasay Hindi mo pinapansin,
Ni Wala syang pagsusuotan ng sapatos na sisintasin.
Nanatiling tahimik si ITLOG
Nakikiramdam SA bawat nyong pag-inog
Nakikiramdam, pagkat Hindi Niya masilayan Ang paraan niyo ng paghakbang
Nakikiramdam, pagkat Ang tinig ay Hindi kailan man lalabas SA bibig.
Patuloy Ang kanilang pagtawa
Si itlog ay nanatiling tahimik
Maaaring dahil Hindi nya Alam ang nangyayari SA iba
O baka Wala Rin siyang pake
Maaaring Alam Niya na siya ay itlog
May kakaibang katangian,
May kakaibang nilalaman.
Nginit siya ay itlog
Maputi at natatangi.
Itlog na napupuno ng protina
Mga katangiang Hindi nakikita
NG mga nagkukunwaring buo
Ngunit SA katotonay
Nabubuhay na PARANG Itlog
Pinakikiramdaman Ang bawat mong pag-inog.
Siya Ang nag iingat SA galaw mong maragsa,
Konting pagkakamali siya ay mapipisa.
Napupuno ng halakhak Ang paligid.
Nagpapalakpakan Ang buong daigdig.
Kanya-kanya sa paghakbang,
Pagbigkas ng kahibangan.
Ang itlong ay nanatiling nasa tabi,
Walang pake SA sinasabi ng paligid,
Nagtetengang kawali raw Sabi ng marami,
Palibhasay Hindi Kailangan man nilapitan para malamang Wala siyang pandinig.
Marami Ang naiinis, bakit ba ayaw niyang umalis?
Bakit ayaw niyang gumalaw at magtungo SA sikat ng araw?
Palibhasay Hindi mo pinapansin,
Ni Wala syang pagsusuotan ng sapatos na sisintasin.
Nanatiling tahimik si ITLOG
Nakikiramdam SA bawat nyong pag-inog
Nakikiramdam, pagkat Hindi Niya masilayan Ang paraan niyo ng paghakbang
Nakikiramdam, pagkat Ang tinig ay Hindi kailan man lalabas SA bibig.
Patuloy Ang kanilang pagtawa
Si itlog ay nanatiling tahimik
Maaaring dahil Hindi nya Alam ang nangyayari SA iba
O baka Wala Rin siyang pake
Maaaring Alam Niya na siya ay itlog
May kakaibang katangian,
May kakaibang nilalaman.
Nginit siya ay itlog
Maputi at natatangi.
Itlog na napupuno ng protina
Mga katangiang Hindi nakikita
NG mga nagkukunwaring buo
Ngunit SA katotonay
Nabubuhay na PARANG Itlog
Subscribe to:
Posts (Atom)