Tuesday, October 29, 2019

Kalakasang Kahinaan ng K-12

6 na taon na Mula noong ipinatupad Ang kurikulum na K-12. 6 na taon na rin na nakalutang Ang mga pangako NG nasabing kurikulum. Ayon sa isang pahayagan ng abs-cbn news noong 2015"..binigyang diin ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali na nabuo ang curriculum ng K-12 sa pakikipag-ugnayan sa Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority kaya maituturing itong kompletong pagsasanay sa estudyante kung nanaisin niyang di na tumuloy sa kolehiyo." Pero 4 na taon na rin Ang lumipas Mula noon. At tila nawalan na Rin NG kumpyansa ang DepEd patungkol sa pangakong Ito. Nitong nagdaang buwan lamang, Oktubre lumabas sa iba't ibang pahayagan Ang katagang "Bukas ang Department of Education sa panukala sa Kamara na i-review ang ipinapatupad na K to 12 Basic Education Program." (Mula Ito sa pahayagan NG abs-cbn news) tila ba naghuhudyat Ito na irerepaso na Ang kurikulum. Kung titingnang mabuti, maganda Ang tunguhin NG k-12 curriculum, pero palaging nagkakatalo sa implementasyon. Sinabi mismo ng PCCI na maliit Ang porsyento NG mga K-12 graduates na makakuha NG trabaho dahil kulang Ang 80 oras o halos 2 linggong OJT upang matutuhan NG mga mag-aaral Ang mga teknikal na gawain NG isang espisipikong propesyon. Maalala natin Mula SA pahayag na ibinigay ko sa itaas, kampante pa ang DepEd na sapat Ito dahil napag-usapan nila Ito katuwang ang CHED at TESDA. Pero ngayon, malinaw na bukas sila sa mga posibilidad na maaaring mangyari dahil sa mga kapalpakan at kakulangan sa Pagpapatupad NG nasabing kurikulum. Tila mga impokrito na naghahanap ngayon NG kasagutan para sa mga pangakong Hindi nila natupad. SA unang mga taon ay kampante pa sila ngunit ngayon, sinasabi na nilang may pagkukulang talaga at umaasa sila na mapapaunlad Ito sa sa tulong ng kamara. Napakaimpokrito Lang nang dating nito, muli nanaman silang mangangako na maiaayos Ang mga pagkakamali ngunit kapag naapektuhan na Ang mga tao sa lipunan ay sasabihin na Naman nilang gagawan nila NG paraan. Hindi ba nila naiisip Kung anong maaaring mangyari sa mga mag-aaral na nakapagtapos na NG senior highschool? Maaaring ma-invalid Ang pagpasok ng mga kabataang ito sa kolehiyo, o Kaya Naman ay dadaan na naman sa transition curriculum o program na siyang nagpahirap NG sobra sa mga nakaraang mag-aaral NG kolehiyo na Hindi nakakuha NG grade 11-12. Bilang kabataang hinubog NG k-12 at bilang unang batch na nagsilbing eksperimento, Hindi ako sangayon sakaling irepaso Ang kurikulum na Ito. Malaki Ang naitulong NG kurikulum upang Ihanda Ang bawat Isa sa kolehiyo(para sa academic track) at malaki Rin Ang naiambag nito para mapaunlad Ang mga kasanayan NG mga tech.voc students. Gayunpaman, isang malinaw at mabusisi na pagsusuri Ang nararapat gawin NG bawat institusyon NG Pilipinas upang maisapraktika NG maayos at Tama Ang kurikulum. Hindi Ito magagawa NG ched, deped, at TESDA lamang. Alam natin na Isa say mga dahilan NG kakulangan ay Ang kawalang suporta sa pamahalaan. Hindi lamang Ito usapin NG pinansyal. Kundi usapin NG pag-antabay Kung napupunta ba SA dapat puntahan Ang mga pondong ibinababa sa mga institusyong pangedukasyon. At Kung naibababa ba SA mga paaralan Ang mga kagamitan kinakailangan sa tamang oras. Dapat ding pagtuonan NG pansin Kung Tama at dekalidad na mga guro ba Ang pinagtuturo sa Senior high. 
Ang usapin s